Lungkot At Saya

Isang araw

Ako’y nagpunta

Sa isang lugar

Na maituturing kong paraiso

Sa isang lugar

Na ang kasama dapat ay ikaw

Sa isang paraiso

Na tinahak ko mag isa

Oo, mag isa

Dahil dapat kasama kita

Dahil plinano natin tong dalwa

Dahil pinangarap natin to

Pinangarap natin magkasama

Ngunit bigla kang naglaho na parang bula

Naglaho at biglang nawala

Ngayon kaya

Pangarap niyo na din ba itong dalwa?

Ngayon kaya

Nangako ka din ba sa kanya?

Ngayon kaya

Masaya ka din ba habang pinaplano niyo na magkasama?

Ako’y naglakbay upang hanapin ang sariling mukhang nawala na

Simula ng ikay nawala

Simula ng pagsira mo ng mga pangako

Hindi ko namalayan

Nasira na rin pala ang tayo.

Mag isa

Malungkot pero masaya

Malungkot pero pinipilit maging masaya

Malungkot dahil dapat kasama kita

Malungkot dahil pangarap natin tong dalawa

Na ngayon ay tinutupad ko mag isa

Sobrang lungkot dahil wala ka

Malungkot dahil sa ere iniwan mo ako ng mag isa

Pero sa kabila ng lungkot

Ay may saya pa din pala

Masaya sapagkat natupad ko kahit ako lang mag isa

Masaya dahil di na ako iiyak pa

Masaya dahil tinapos mo na

Tinapos lahat ng sakit na posibleng maramdaman pa

Masaya pero parang may kulang pa

Pero masaya

Dahil ngayon, ako’y malaya na.

PS

Photo is mine. (Captured that when I went to the Cagraray Island in Bicol)

Caption is mine. Written from the bottom of my heart.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s