Stronger Than Before

Minsan kahit anong tapang mo, may mga bagay at sitwasyon sa buhay na magpapahina sayo pero dapat handa ka pa rin harapin lahat ng ito lalo na kung sabay sabay dumating ang mga pagsubok sa buhay.

Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, masasabi kong pinagtibay at mas pinatapang ako neto. Hindi lang sa larangan ng pag ibig kundi pati na sa iba’t ibang klase ng problema tulad ng sa kaibigan, sa pamilya,problema sa pinansyal at higit sa lahat problema sa sarili.

Sa 22 years ko sa mundo, etong 2018 ata ang pinakamahirap, pinakamadaming problema, at higit sa lahat pinaka nachallenge ako na nagpatatag pa lalo saakin. Walang buwan. . .ay mali. . . Walang linggong daraan na hindi ako umiyak. (Hindi lahat ng matapang at positive na tao, hindi na umiiyak. Minsan mas masarap kapag iniiyak mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo😉). Andaming nagtatanong kung bakit patuloy akong lumalaban at kung paano ko kinakaya, simple lang ang sagot ko,:

“Dahil alam kong nireready lang ako ni Lord para sa 2019. At least kahit anong pagsubok sa 2019, keri ko na kasi nga andami kong pinagdaanan ngayong taon, di ba?”.

Totoo yan. Minsan naisipan ko ng sumuko. Naisip ko na pwede naman akong magpatalo at sumuko nalang, bakit pa nga ba ako lumalaban?

Pero isang araw, habang nakatingin sa mga ulap. Habang nakikipag usap sa Panginoon, dun ko napagtanto lahat. I realize everything. I realize why I encounter such problems. Habang nakapikit. . .habang pinapakiramdaman si Lord. . .habang ang mga luha’y nag uunahan sa pagtulo doon nabuksan ang isipan ko na hindi ako pwedeng sumuko. Dahil hindi ako kailanman susuko. Dahil alam kong hindi ako papabayaan ni Lord. Alam ko dahil nararamdaman ko. Alam kong kakayanin ko dahil hindi Niya ako iniwan (hindi siya katulad ng ibang lalake na iiwan ka basta basta ng walang dahilan. Charoooot! Naghugot lang saglit. Hahaha). At higit sa lahat, kinaya ko dahil kasama ko si Lord . . .dahil never niyang hinayaan na mag isa akong lumaban.

Para sa lahat ng taong humaharap ngayon sa mga problema, gusto kong ishare sainyo itong isang mahalagang linya na hanggang ngayon ay di ko makakalimutan dahil ito ang nagsilbing paalala saakin na kailangan kong tumayo mula sa pagkakadapa. . .lumaban muli mula sa pagkakatalo. . .at maging matapang para magtagumpay sa susunod na hamon. Sana makatulong ito sainyo:

“Maaari tayong sumuko at tanggapin nalang ang pagkatalo. O mas pipiliin nating bumangon at ipagpatuloy ang laban.”

I wish all of you to be happy always.

I’m Jane Kirstin L. Jazmin, from Philippines (Bicol). Im writing not to impress but to express my emotions and to share my experiences in life.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s