Payong

Lahat siguro tayo ay naghahangad ng perfect relationship. Tulad ko, na isang babaeng naghahangad ng isang perpektong relasyon. Subalit napatunayan ko na walang perpektong tao kaya walang perpektong relasyon. Tamang tao lang siguro ang meron kaya nagiging tama din ang relasyon. Hindi ko sinasabing may maling relasyon. Ang punto ko, ay ang ipahiwatig at ibahagi ang mga bagay na natutunan ko.

Oo, di ako expert sa love. Dahil 22 years old palang ako at baka sabihin niyong feeling ko andami ko ng alam kung makapag advice. Hindi ganun. Kundi base sa experience ay may mga natutunan ako. Sabi nga nila “Experience is the best teacher”.

Ganito yun. . .

Lahat ng relasyon nag uumpisa sa friendship. Yung iba siguro diretso ligawan. Pero believe me or not, lahat ng relasyon dumaan sa proseso ng “getting to know each other”. At syempre pagkatapos ng pagkakaibigan, magkakagustuhan hanggang magligawan at sa huli ay naging magka-ibigan (lovers). Pero the sad reality, hindi lahat nag eend ng masaya at magkasama.

Sa umpisa masaya. Syempre kasi nililigawan ka pa kaya yung effort niya sagad hanggang dulo. Kung makatext,kala mo wala ng bukas para mag usap ulit. At may mga araw din na kahit antok na antok na kau pareho, ayaw niyong ibaba amg telepono dahil pareho niyong sinasabi na “sige na. Ikaw na mag end call”. Hanggang sa nakatulog kayo pareho na di niyo na end ang call. Nakatanggap ka rin siguro ng mensahe galing sa kanya na ang sabi ay “IKAW LANG SAPAT NA.”, “PAPAKASAL TAYO”. At higit sa lahat, naranasan mo din siguro yung sabay kayong nagpaplano para sa future niyo.

Ang sarap balikan ng mga panahong maayos pa kayo. Yung mga araw na masaya lang kayo. Ngunit bakit tila nag iba. Nagbago. At tila ba’y unti unti ng naglalaho ang lahat ng effort at saya?

Bakit nga ba?

Tulad ng nilagay ko sa picture “hindi porket may payong ka di ka na mababasa. Tulad ng pag ibig, di porket mahal ka niya di ka na niya sasaktan”. Walang taong perpekto. Walang taong never pa nagkamali kung kaya’t nakakagawa ng mga bagay na ikakasakit ng iba lao na ng mahal nila.

Totoo. Totoong hindi dahil mahal ka niya hindi ka na niya sasaktan. Dahil may temptation na tinatawag. At naging choice nila ang lokohin at saktan ka.

Hindi pala lahat kaya maging loyal at faithful.

May mga taong hindi makuntento.

May mga taong maeffort lang sa una. Pero kapag tumagal na, umiiba na ang timpla.

At higit sa lahat. . .

May mga taong dumaan lang sa buhay mo para pasayahin ka ng panandalian .

At yung taong yun, iiwan ka din naman pala sa lugar kung saan kayo unang nagtagpo at naging masaya.

Malungkot ang ganyang sitwasyon. Ngunit madaming aral na matututunan, isa na dun ang “Kapag nagmahal ka dapat handa ka. Dahil hindi porket mahak mo siya at mahal ka niya, di na kayo magkakasakitan”.

Photo is mine.

Model: He is my brother πŸ˜‚ I asked him to hold the umbrella and pose hahaha

Location: That’s in Bulan, Sorsogon in Bicol Region.

Advertisements

8 thoughts on “Payong

  1. Tama ka: ako nga may malaking payong, yung mas maliit ng konti sa mga payong na nasa labas ng mga coffee shops, pero nababasa pa rin ako. Haha! Maogmahon man ako ta igwa kang photo sa Bulan, Sorsogon. Mas magayon talaga kung taga-Bikol ka, kaipuhan ta ki payong kung igwang bagyo, pero ang mga Bikolano nagsu-survive kita. Dios mabalos tabi. And a meaningful new year.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s