Hustiya nga ba’y buhay pa?
O katulad na lamang ng mga taong pinaslang ng walang kalaban laban?
Hustiya nga ba’y mananaig pa?
O mananatili nalang nakapiring?
Sa panahon ngayon
Iba na ang batas
Minsan tila’y may butas
Akala ng lahat ay tapat
Yun pala ay isang demonyo at hudas.
Hawak sa leeg ng nga mayayamang pulitiko
Ang mga mahihirap na nagpapayaman sa mga hangal
Kahit ano ay handang gawin ng mga kurap na opisyal
Para lamang bumango ang kanilang pangalan
Katulad na lamang kung paano sila kumitil ng buhay
Buhay na walang kalaban laban
Buhay na paulit ulit sinasabing baka napagkamalan lang daw
Napagkamalan nga ba?
O sadyang tatablahin ang hustisya para lang sa pera
Parang isang eksena sa pelikula
Na may papatayin sa una
Ngunit ang kaibahan ng reyalidad at pelikula
Sa pelikula, matatapos at sa dulo makukulong ang may sala
Hindi katulad sa reyalidad
Mauuna pang matapos ang mundo
At ang hustisya ay hindi pa nakukuha
Lalo na kung wala kang perang inihanda.
Sa dami ng pinatay
Sa dami ng buhay na ninakaw
Sa dami ng inosenteng taong pinaslang ng walang kalaban laban
Sa dami ng taong pinagbintangan at nilalagyan ng karatulang laman ay kasinungalingan
Hustisya ang tanging sigaw
Ng mga pamilya ng pinaslang
Hustisya ang tanging hiling
Ng mga pamilyang naghihinagpis
Bakal na timbangan
Ngunit mukhang may sira
Dahil mas angat ang mga makapangyarihan
Mas angat ang kumukurakot sa kaban ng bayan.
Espadang kinakalawang
Na akala ko pa naman ay simbolo ng respeto
Ngunit tila lahat nagbabago
Dahil parang may depekto at ngayon ay may kinikilingan
Ngayon alam ko na
Kung bakit may piring ang katarungan
Kaya ngayon tuloy hindi niya makita ang katotohanan
Hindi makita kung sino ba ang dapat hatulan.
Anong nangyari sa ating bansa?
Tanong na gusto kong masagot
May batas pa nga ba para sa hustisya?
O mismong batas natin ang pumipigil sa hustisya
Kasabay ng pagbagsak ng tingga
Ay sya ring pagtulo ng dugo sa lupa
Kasabay ng pagbaha ng dugo
Ay ang pagkalunod ng ating bansa sa kamay ng mga sakim na pulitiko
Sa mundong ating ginagalawan
Sa mundong eto na puno ng kasamaan at karahasan.