Mahirap magtiwala ulit. Masakit pero minsan kailangan magtiwala muli. Parang ang puso, minsan kailangan munang mabigo para muling mabuo.
–
Habang ako’y nakikinig ng musika
Pinapakiramdaman ang bawat linya ng kanta
Pinapakiramdaman ang sakit na nararamdaman ng kumakanta
Pinapakiramdaman. . .ang sakit na aking nadarama.
–
Habang nakikinig ng musika
Naalala kita
Naalala ko nung tayo ay masaya pa
Naalala ko lahat hanggang sa huling araw na tayo ay di na muli nagkausap pa
–
Habang nakikinig ng musika
Bigla nalang ako napangiti
Dahil naalala ko ang panahong kasama pa kita
Habang iyong inaawit ang paborito kong kanta
–
Habang nakikinig ng musika
Bigla kong naalala
Kung paano mo ako tinititigan sa aking mga mata
Kung gaano sinasabi ng iyong mga titig ang salitang “mahal kita,aking prinsesa”
–
Habang nakikinig ng musika
Habang mga mata’y nakapikit
Naalala ko ang mga ngiti sa labi mo
Ang mga ngiti mong tila ba’y sinasabing “masaya ako dahil kasama kita”
–
Habang nakikinig sa musika
Nakapikit ang mga mata
Naalala kita. . .nalilito. . .nasasaktan. . .
Bakit tayo humantong sa sitwasyong hindi ko inaasahan.
–
Habang nakikinig ng musika
Mga luha’y bigla na lamang nagsipatakan isa isa
Nag uunahan sa pagpatak
Na tila ba’y wala ng iiiyak hanggang bukas.
–
Habang nakikinig ng musika
Habang tuloy tuloy ang patak ng mga luha
Naalala ko ang araw na tinanong mo ako
“Anong nangyari sa ating dalawa?”
–
Habang nakikinig ng musika
Patuloy ang pag iyak
Patuloy na bumabalik ang mga alaala
Sa mga masasayang araw na sana ay di na natapos pa
–
Habang nakikinig sa musika
Mga luha’y di mapigilan
Na simbolo na ako’y nasasaktan
Luhang simbolo na hanggang ngayon ikaw ay aking mahal.
–
Habang nakikinig sa musika
Biglang tumugtog ang “Patawad by Moira”
Pinakinggan maigi ang mga linya
Tagos sa puso, bawat linya ay damang dama.
–
“Wala na rin naman kahit na balikan”
Linya ni moira sa kanyang kanta
At bigla na namang kitang naalala
Nung araw na sinabi mo saakin, hindi mo pa pala kaya ulit ang magmahal
–
“At sa huling paalam,naintindihan. Na sa ating dalawa may ibang nakalaan”
Huling linya ng kanyang kanta
Naalala ko ang araw na sinabi mo sa akin na may bago ka ng mahal
Yung araw na nalaman kong kayo na pala.
–
Habang patuloy na nakikinig sa musika
Ako’y napapikit. . .nanalangin
Na sana dumating ang araw na matapos na ang sakit
Na sana ako’y lumaya na sa kalungkutang hanggang ngayon ay pilit na nilalabanan
Na sana sa mga susunod na araw, buwan o taon ay akin ng maintindihan
Na baka nga. . .
Baka sakaling sa tamang panahon ako’y ilalaan
Hindi man sayo
Pero sa taong mamahalin ko ng lubusan.
========================================
Bigla kong napagtanto
Oo nga pala, mahirap magtiwala ulit,
Masakit pero minsan kailangan magtiwala muli.
Parang ang puso,
Nasasaktan, lumuluha
At madalas ay nabibigo pa
Pero minsan kailangan nating masaktan at mabigo
Para muling mabuo.
Oo nga, kailangan muna masaktan bago mabuo ang puso. Tama iyon, naranasan ko iyon maraming beses
LikeLiked by 1 person