Halaga

“Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko”

Isang masakit na linya

Mula sa kantang Halaga ni Chito Miranda

Linyang gusto kong bitawan kapag kaharap kita.

Nagkita tayo sa isang lugar

Lugar kung saan madalas natin puntahan

Ang lugar na payapa

Lugar na pareho tayo malaya

Malayang umiyak

Malayang magsabi ng totoong nararamdaman

Malayang magbigay ng opinyon

Sa bawat problemang kinakaharap

Nakaupo tayo sa dating pwesto

Walang nagsasalita

Walang gustong magsalita

Na para bang may tinatago tayo pareho

“Mahal ko siya. Pero bakit ginago niya ako”

Mga linya mong bumasag sa katahimikan

Ang linyang alam kong ayaw mong bitawan

Ang mga linyang sinabi mo kasabay ng pagluha mo

Nasasaktan ako

Nasasaktan ako para sayo

Dahil sa kabila ng pagmamahal mo sa isang tao

Ay linoko at ginago pa din ang tulad mo

Nasasaktan ako

Nasasaktan akong makita kang lumuluha

Nasasaktan akong naririnig ang mga hikbi mo

Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka

Patuloy kang umiiyak

“Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya”

Mga bagay na sinasabi mo

Habang mga luha mo’y patuloy sa pagpatak

Muli kang nagsalita

“Ano bang nagawa ko, para gaguhin ako ng taong ginawa kong mundo”

“Minahal ko siya sa paraang alam ko”

“Minahal ko siya kahit na binabalewala niya na ako”

Yakap yakap kita

Habang mga luha ko’y di ko na napigilan pa

Tuloy tuloy ang luha

Habang pinapakinggan kita.

“Alam mo kung ano ang mali mo?”

“Ginawa mong mundo ang dapat sana ay tao lang”

“Pinaikot mo ang mundo sa taong hindi naman pala sigurado sayo”

“Kaya ngayon, kasabay ng pagpaikot mo ng mundo mo sa kanya ay ang pagpapaikot ikot niya lang din sayo”

Oo, alam ko

Alam ko kung gaano mo siya kamahal

Alam ko lahat ng paraan mo

Para lamang maipakita sa kanya ang pagmamahal mo

At oo, alam ko kung paano ka niya binalewala

Nakita ko

Nakita ko lahat ng effort mo

Nakita ko yung pagkadurog mo habang pinipilit mo buuin ang dating kayo

Nasasaktan ako

Nasasaktan dahil ganyan mo siya kamahal

Nasasaktan dahil nagawa ka niyang saktan

Nasasaktan ako dahil dinurog niya ang puso ng taong matagal kong iningatan

Nasasaktan ako dahil binalewala ng iba ang taong binabalewala lang din ako

Nasasaktan ako dahil sinaktan lang ng iba ang taong mahal ko

============================

“Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko”

Isang masakit na linya

Linyang gusto kong bitawan kapag kaharap kita

Linyang gusto kong sabihin sayo at sa kanya

Eto lang ang tatandaan mo

Ang huling liriko sa kanta ni Chito Miranda

Ang tanging masasabi ko sayo:

“Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na HALAGA”

2 thoughts on “Halaga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s