Naging Baon Ko Ang Mga Alaala Mo

Lumipas man ang araw, buwan at taon

Mananatili kang nasa puso ko.

Ilang taon na nga ba ang lumipas?

Ilang taon na nga ba nung huli kitang makita?

Ilang taon na nga ba ang dumaan?

Simula nang ako’y iyong iniwan?

Isang dapithapon

Habang mga kaibigan ay nagkwekwentuhan

Bigla nalang nabanggit ng isa ang iyong pangalan.

Sabay sabing “Kinukumusta ka niya”

At isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi

Ngunit bigla kong naalala

Naalala ko ang huling araw na nakasama kita

Sa isang maganda at tahimik na lugar

Habang masaya tayong nagkwekwentuhan

Habang nakatitig sayong mga mata na tila ba’y ako lang ang tanging nakikita

Naalala ko pa ang mga ngiti mo

Mga ngiting kay tamis

Mga ngiting kay sarap titigan

Mga ngiting nakakahawa

Mga ngiti mong saakin ay nagpapakalma

Bigla ko naalala kung paano mo ako pinapatawa

Sa tuwing nalulungkot ako,lagi mo ako pinapasaya

Sa bawat problema ko, kahit anong bigat ,gumagaan

Dahil andiyan ka at karamay kita

Ee yung tawa mo, naalala mo ba?

Yung tawang parang wala ng bukas

Yung tawang walang pakialam

Marinig man ng karamihan

Sana naalala mo yung mga araw na magkasama tayo

Yung araw na masaya tayo

Yung araw na sinanay mo ako

Sinanay na magkasama tayo

“Okay ka lang ba?”

Isang tanong ng kaibigan

Na nagpanumbalik sa aking wisyo

At dun ko napagtanto na ako’y nangungulila pa rin sayo

“Ayos lang ako”.

Ang tanging naisagot ko

Dahil ang totoo

Naalala ko nung binitawan mo ako

Bumitaw ka

Habang ako’y nakahawak pa

Hanggang sa aking napag isipan

Na bitawan ang iyong mga kamay ng tuluyan

Natuto akong magpalaya

Dahil alam kong hindi ka na ganun kasaya

Natuto akong magpalaya

Para mahanap mo ang sarili mo

Masakit

Pero alam kong masaya ka na

Masakit

Pero masaya dahil nakamit mo na ang tagumpay na pinapangarap mo

Marahil may magkaiba na tayong mundo

Ngunit mananatili sa isip at puso ko

Mananatiling sariwa sa alaala ko

Ang panahong masaya dahil nakilala ko ang isang tulad mo

Saan ka man magpunta

Saan ka man dalhin ng iyong pangarap

Sana ay maalala mong andito ako

Andito ako, nakasuporta pa rin sayo

Lumipas na ang araw, buwan at taon

At ang masasakit at masasayang alaala mo

Ang aking naging baon

Upang maging matatag at magpatuloy!

2 thoughts on “Naging Baon Ko Ang Mga Alaala Mo

  1. Opo, dahil naniniwala akong lahat ng bagay ay may dahilan. Masakit o masaya man ang pinagdaanan, siguradong may natutunan sa nakaraan na magpapabago sa atin para mas maging mabuti para sa kasalukuyan💕

    Like

  2. Kumusta ang literal na “baon” sa panahong ito ng community quarantine? Sana ok kayo diyan.
    Dito walang katapusan ang lockdown.
    Ako rin ay may alaala ng ex ko at medyo mabigat na baon iyon. Tumitingin ako sa kasalukuyang at kinabukasan. Pero may natutuhan naman sa dating romantikong karanasan.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s