Nais kong malaman mo
Bago ako umayaw
Paulit ulit muna akong umintindi
Bago ako tumahan
Ilang beses muna kitang iniyakan
At bago kita sinukuan
Ilang beses kong isiniksik ang sarili
Ilang beses akong lumaban
Ilang beses kong ipinilit sa sarili
Ang mga salitang “kapit ka lang, pipiliin ka rin”.
Ngunit ikaw na mismo
Ang nagmulat sa akin ng totoo
Na kahit anong kapit,iyak at laban ko
Hindi na muling mababalik ang dating TAYO
Hanggang sa matauhan ako
Hindi ako susuko dahil gusto ko
Susuko ako dahil isinuko mo ako kahit lumalaban pa sana ako.
Mahal kita pero pasensiya ka na
Mahal kita
Pero ramdam kong hindi ka na ganun kasaya
MAHAL KITA
At ipapaubaya na kita sa Kanya.