Pwede ba akong humiling?
Ng isa pang araw para makausap ka?
O kahit ilang minuto lang makausap ka lang?
Hanggang sa unti unti na akong masanay na hindi na muling mababalik ang dating pagsasama.
Patuloy na pinapaalala sa akin ng mundo
Kung paano tayo unang nagkakilala
Kung paano mo pinapaalala saakin araw araw
Kung gaano mo ako kamahal
Habang pinagmamasdan ang mga larawan nating dal’wa
Ang tanging naiisip ko lamang
Ay bakit biglang nag iba
Bakit ika’y biglang nag iba?
Sinanay mo akong andiyan ka
Nasanay akong kausap ka
Nasanay ako. . .kaya nung iwan mo ako
Hindi ako nakaahon ng husto
Nalunod ako sa pagmamahal
Na akala ko ay panghabang buhay
Na akala ko ay kaya na akong panindigan
Na akala ko ay wala ng katapusan
Pwede ba akong humiling?
ISA PANG ARAW NA IKAW LANG ANG KASAMA
Upang masabi ko, kahit sa huling sandali ang mga katagang ——“MAHAL KITA”.
Ang tamissss…!
LikeLike