MANANATILI

Sayo.

Tanging sayo ko lang naman naramdaman ito

Yung tipong aabante na sana ako

Ngunit bigla nalang napaatras ang mga paa ko

Dahil unti unti kong naramdaman

Ang dahan dahan mong pagbitaw

Maaari mo ba akong tingnan sa mata?

Maaari mo bang ipagtapat lahat ng iyong nadarama?

Ng sa gayon akin ng maintindihan

Ang biglaang paglayo at pag iba ng nararamdaman.

Ngunit hindi ko alam

Kung bakit nandito pa rin ako

Kung bakit nananatili ako

At kung bakit naghihintay pa rin sayo

Bago ko tuldukan ang tulang ito

Nais kong malaman mo

Na kung meron mang gumugulo sa iyong isipan

Na naging dahilan upang mag iba ang pinagsamahan

Kahit gaano ka pa kagulo

Kahit gaano ka pa di naiintindihan ng ibang tao

Nandito ako. . .

Mananatiling SAYO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s