Sa daming taong nakilala ko
Sa haba ng panahong pag aantay ko
Sayo ko lang pala ulit mararamdam ito
Ikaw na pala ang bagong magpapatibok ng aking puso
Mahal, alam kong nag uumpisa palang tayo
Ngujit sana ay sa mga oras na ito
Ay maramdaman mo
Na totoo at seryoso ako sayo
Marahil magtatanong ka
Paano ko nga ba nasabing mahal na kita?
Siguro, dahil di ko na kayang hindi ka makausap sa isang araw
Ngunit ang totoo, ay hindi ko rin malaman kung bakit
Bigla ko nalamang naramdaman ulit
Yung ngumiti habang kausap ka
Yung ngumiti kapag naaalala kita
At yung ngumiti sa tuwing maririnig ko ang boses mo na tila ba’y isang musika sa tenga ko
Ikaw na pala
Ikaw na pala yung bagong bubuo ulit sa puso ko na dinurog ng maling tao
Ikaw na pala ung panibagong magiging rason ng mga ngiti sa labi ko
Ikaw, na ngayon ay masasabi kong hindi ko bibitawan
Hindi ko man maibigay ang pinakarason
Kung ikaw ay mahal
Ngunit masisigurado na ang pagmamahal ko sayo ay malalim
Hindi ko man masabi sayo ng tuluyan
Pero sana sa simpleng tulang ito ay iyong maramdaman kung gaano kita kamahal