. SANA.

Sa dami ng tao na nagdaan sa buhay ko. Sayo lang ulit ako natutong magmahal.Sayo ko lang ulit naramdaman ang ganito

Yung tipong, paggising ko sa umaga may “GoodMorming” video akong mapapanuod na mula sayo.

Yung kahit alam mong sobrang busy kong tao, pinipili mo pa rin sabayan ako sa pagkain kahit na through video call lang.

Yung kapag naririnig mo palang ang boses ko, alam mo na agad kung okay ako o hindi.

Yung mga pag- aalala mo, na sobrang nagpalambot sa puso ko.

At higit sa lahat, yung hindi ko hahayaan matapos ang isang araw na hindi ako sasabihin mo ng mga katagang “Goodnight,mahal kita”

Ang sarap balik-balikan ng mga panahong andiyan ka.

Yung mga panahong, akala ko di na matatapos pa.

Yung mga araw na hindi buo lalo na pagdi kita nakausap

Yung mga oras na kahit busy tayo pareho, sinisigurado nating may oras tayo para sa isat isa.

Hindi ko alam kung anong nangyari.

Kung bakit bigla ka nalang dumistansiya.

Kung bakit bigla ka nalang naglaho.

Ang tanging gusto ko lang naman, sana mabasa mo lahat ng mensahe ko. Gusto ko lang naman ay malaman mula sayo,

ANONG NAGAWA KO PARA SAKTAN MO AKO NG GANITO?

BAKIT SINANAY MO AKO SA PRESENSIYA MO, KUNG ISANG ARAW AY MAGLALAHO KA NALANG NA PARANG BULA?

BAKIT PINARAMDAM MO SAAKIN YUNG PAGMAMAHAL NA AKALA KO BUBUO ULIT SA ISAMG TULAD KO NA DINUROG NG PAULIT ULIT NG IBANG TAO?

BAKIT?

Mga tanong na paulit ulit kong gustong itanong. Mga tanong, na hanggang ngayon ay di ko mahanapan ng kasagutan.

Napagod ka ba maghintay?

Napagod ka ba dahil malayo tayo sa isa’t isa?

Dahil kung OO ang sagot sa mga yan, gusto kong humingi ng tawad,

“Pasensiya na kung napagod kang maghintay. Sinisigurado ko kasing pagbinigay ko na sayo ang pagmamahal ko, gusto ko buo. Gusto ko buo na ulit ako. Dahil ayokong mahalin ka lang dahil pinapasaya mo ako. Ang gusto ko, mahalin ka dahil yun ang nararamdaman ko”.

Patawad, kung napagod kang maghintay.

Kung nasaan ka man. Isa lang ang gusto ko, yun ay ang maging masaya ka kahit di na ako ang dahilan ng mga ngiti mo.

IKAW yung taong bumuo ulit saakin nung panahong durog na durog ang puso ko ngunit ikaw rin pala ang dudurog muli sa pusong binuo mo.

At ngayon, IKAW yung SANA na hindi na matutupad pa.

One thought on “. SANA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s