Nandito na naman ako
Kaharap ang ating litrato
Tinititigan ang mga ngiti mo
Inaalala ang iyong mga pangako
Asan ka na ba mahal ko ?
Bakit ka nga ba biglang lumabo?
Akala ko ba tayo hanggang dulo
Ngunit bakit bigla kang naglaho ?
Araw- araw kitang naaalala
Araw- araw akong naghihintay
Nagbabakasaling ika’y bumalik pa
At ako’y mahal mo pa
Ngunit bakit ganito?
Bakit pakiramdam ko hindi na ako ang iyong gusto ?
Bakit nga ba andito pa din ako ?
Kahit na alam ko namang iniwan mo na ako
Masaya ka na ba?
Kasi ako, andito nalulunod pa
Sa kalungkutang iyong iniwas
Sa kalungkutang gusto ko ng wakasan
Nanatiling palaisipan
Kung ano ang iyong dahilan
At ako’y iyong iniwan
Na ngayon ay pilit na ala-ala’y kalimutan
Siguro nga tama sila
Kailangan ko ng umusad
Kailangan ko ng piliin ang sarili ko
Dahil yung taong pinili ko, pinabayaan ako.
Masaya ka na ba?
Yun lang naman ang tanging gustong malaman
Sapagkat yun ang isa saaking kahilingan
Ang maging masaya ka kahit hindi na ako ang dahilan.
©️Graciouslucky
Ang pagiging masaya ay hindi naman nakakadepende sa pagkakaroon ng kabiyak o hindi. Iyon ay depende lang sa panloob na kalagayan….batay ito sa aking personal na karanasan. Dati desperate ako sa paghahanap ng kabiyak, ngayon na mayroon na akong asawa nauunawaan ko na ang aking kaligayahan ay resulta lang ng aking kakayahang kontrolin ang aking mga emosyon at hindi sa kung ano ang sinasabi o ginagawa ng asawa ko
LikeLike