Memories

One day. . .

I decided to go back to the places we’ve been together

Took a picture of it

Sat down on the same spot

Ordered our most-liked food

And played our favorite music

Reminiscing everything

Remembering the good old days

Looking back to the laughters we’ve shared

Recalling the memories we had.

I always wanted to asked you

What happened to the relationship we’re trying to rescue?

What happened to you?

What happened to us?

Im still clueless

Im still trying to figure it out

Im still fighting yet crying

Im still remembering the day you broke my heart.

Suddenly, the door opened

I saw you

I saw your angelic face

I saw the man I love

You saw me

Our eyes we’re trying to communicate

I smiled on you

But you just bow your head

Until the door opened again

A girl held your hand

And I realized

You’re not alone

You’re with some else

And that hit me so hard.

You went to the counter

Ordered our favorite food

Sat down near my table

And talking as if everything’s fine .

Just looking at you together

I knew the answer

To all the questions I wanted to ask you

To all the questions running in my mind.

I stand up

And decided to leave the place

You looked at me

And I didnt bother to look at you anymore

Because I know I’ll cry.

When I reached the exit

I walked straight

I told myself not to look back

I told myself to continue stepping forward.

Yes. . .

I did it

I leave the place without looking back

I leave one of our favorite spot.

But. . .

Leaving was hard

It took me courage to pass you by

It took me strength to continue.

I never confronted you

Because I know you’re happy now

Because I always wanted you to be happy

Because I love you, my love.

And if being with her

Will make you happy

I will stop holding on

Now, I’m willing to let go.

I hate going back to old memories

Because tears comes easily.

But one thing. . .

I love remembering old memories

The memories I had with you when we were still happy,love.

Same place. . .

Same time. . .

Same spot. . .

Same food. . .

But. . .

Not with the same person.

Advertisements

Ate

“SIDE BY SIDE OR MILES APART, SISTERS WILL ALWAYS BE CONNECTED BY THE HEART”.

Isang tulang alay sa aking kapatid

Na may naising ipabatid

Ate, isa ka sa aking inspirasyon

Inspirasyon upang harapin ang bawat araw na daraan

Inspirasyon upang ipagpatuloy

Ipagpatuloy ang sinimulang laban

Ate, gusto kong malaman mo

Na ako’y nagpapasalamat saiyo

Dahil sa walang sawang pagmamahal

Salamat sa suporta na kailanman ay di nawala

Salamat dahil hindi mo kami pinabayaan

Hanggang sa lahat tayo sy umasenso sa buhay

Salamat dahil ika’y naging sandigan

Lalo na kapag walang maiiyakan

Alam ko kung gano ka na kapagod

Pero hindi mo iniinda ang bawat sakit at pagod

Alam ko yung sakit na nararamdaman mo

Sa bawat lilipas na araw na di tayo buo

Pero di ba nga sinabi mo

Kelangan natin magsakripisyo

Dahil darating ang araw

Na mabubuo ulit ang pamilyang to

Sa huling taon ko sa kolehiyo

Di mo ko binitawan

Di mo ako pinabayaan

At higit sa lahat

Dinamayan mo ako sa lahat ng luha at sakit

Nagtapos ako sa kolehiyo

At isa ka sa inaalayan ko

Ng mga medalyang pinagsikapan ko

Ng diplomang pangarap ko

Ate, maraming salamat sayo

Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo

Salamat dahil di ka sumuko

Salamat sa pagmamahal kahit magkakalayo

Gusto kong sabihin sayo

Na may papatunguhan ang bawat pawis mo

Na may mapupuntahan lahat ng OT mo

Na may halaga lahat ng luha mo

At higit sa lahat

Gusto kong malaman mo

Na worth it lahat mg pagod mo

Sa huling talata ng tulang to

Nais kong sabihin sau

Ang mga katagang

MAHAL KITA, ATE KO.

-GraciouslyLucky

Silent Killer

“I AM OKAY” ,the line we can always hear from people we are suspecting that has depression.

Because reality, who would admit that they are not okay?

Because in the first place, they hide their problems.

Because, they are pretending that they are okay.

Because, they will always give you their sweetest smile

Because, they think no one understand them.

And lastly

Because, beating depression is the hardest thing to do for those who are experiencing it right now.

In today’s generation, we must be aware about depression and anxiety. We must always listen to our friends, family and even strangers when they tell you they need someone to talk to or someone who can just sit beside them and listen to them.

I would to share this to you.

These past few months I also experience depression. I’m tired and feeling like giving up. You know the feeling of waking up and you feel like you are already tired knowing the fact that you just woke up. When you dont know your purpose anymore. You feel like you are alone. When you wanted to talk about it but you hesitate because you think they might not understand you. When all you wanted is a hug from the person who really cares. When you only need a tap in your back while listening to someone saying “You are stronger than your depression. Fight and dont give up”.

I came to the point that I really wanted to end my life. Because I feel like Im no ones favorite anymore. I feel like Im drowning. I’ve lost my inspirations. Feeling like I dont have enough strength anymore to hold on and fight.

I traveled. I go to places that can make me calm. I went to nearby beaches and stayed therefor days. I always see myself crying in pain and bitterness. But when I realized, why would I give up? I realized how to turn the darkness back in to light. I finally found my reason to fight back. I finally found what I’ve been searching for too long. I pray. I always pray. Until i realized, I have God. God is with me. He never abandoned me when Im so down and almost giving up. He is always with me. He stayed when everyone is leaving. He made me realize that life is full of happiness and love. Life is important. And life is worth to fight for.

And today, I would like to tell everyone who is suffering from depression:

“Pray. Dont stop to pray. I promise you. He will maje you rwalize your worth; your life’s worth. Dont give up. Giving up is not an option. Fight depression. Because when you win over depression,you’ll realize, how important and beautiful life is. Keep going. And keep searching for your hearts desire.”

One of the happiest moment in life is when you find the courage to let go of the things that keeps you from moving forward and to find courage to fight depression.

Rise above the storm, and you will find the sunshine.

-GraciouslyLucky 😊

Kalayaan

Nag iisip, natutulala. . .

Habang ako’y nakapikit.

Nag iisip ng mga sagot

Sa mga katanungan kong di masagot sagot.

Kailan ba ako makakalaya

Kailan ko ba masasabing akoy malaya na?

Nais kong maging malaya

Sa nag iisang bagay

Sa nag iisang dahilan

Kung bakit hanggang ngayon

Ako ay tila isang presong nakakulong

Sa rehas ng buhay

Na hindi pwede ang piyansa

Kundi lakas ng loob ang kailangan para lumaya.

Sa bawat araw na lilipas

Sa bawat taong nakaka usap

Sa bawat oras na may kasama

Ako ang nagpapatawa

Ngunit sa kabila ng lahat ng ngiti at tawa

Ay mga luhang nag’uunahan tumulo

Mga luhang nagkakarera

Kapag ako’y mag isa na.

Lumilipas ang mga araw

Na tila ba’y napapagod na

Napapagod ng lumaban

Napapagod na maglakas lakasan

Napapagod na ngumiti ng sapilitan

Napapagod na sa lahat ng bagay.

Pero bigla kong naisip

Ano pang saysay ng mga luhang pinakawalan ko

Kung sa dulo ay susuko lang ako

Mas mabuti pang lumaban

Kesa sa sumuko ng hindi man lang sinubukan.

Matalo man sa dulo

Ang mahalaga lumaban ako

Pero wala ng mas sasaya

Kung sa dulo ng labang ito

Mananalo ako dahil nagbunga lahat ng paghihirap ko.

Patuloy akong lalaban

Dahil alam ko

Sa dulo nito

Baka sakaling manalo ako

At makamtam ang kalayaan

Kalayaang hiling ko para sa sarili ko.

Rebound (Part 1)

“Minsan kailangan nating palayain ang isang bagay na nagpapasaya sa atin para mawala ang nag iisang dahilan kung bakit tayo nasasaktan”. (got it from google)

Habang ako’y nakatingala sa langit

Bigla kitang naalala

Naalala ko lahat tungkol sayo

Naalala ko kung gaano kita kagusto

Naalala ko ang mga ngiti mo

At naalala ko na ako ang nagpasaya sayo

Oo, tama ang nabasa mo

Ako ang nagpasaya sayo

Nung panahong miserable ang buhay mo

Miserable dahil sa taong minahal mo

Miserable dahil ikay pinagpalit niya

Miserable dahil sinaktan ka ng taong akala mo mahal kang totoo.

Naalala mo pa ba ?

Kung paano kita napangiti

Kahit mahirap, kinaya ko

Kahit nagmumukha na kong tanga

Ayos lang,

Masilayan ko lang ulit ang mga ngiti mo.

Naalala mo pa ba?

Yung panahong sukong suko ka na

Pero ako tong tropa na “to the rescue” lagi ang role sa drama

Yung tropa mong di nagsawang pangitiin ka

Yung di nagsawang alalayan ka

Hanggang sa tuluyan ay nakapagmove on ka na.

Naalala mo pa ba?

Yung panahong masaya ka na ulit

Yung panahong nakakaya mo ng ngumiti ng walang pait

Yung panahong pinalaya mo na ang sarili mo sa sakit

Yung panahong limot mo na siya

At tanggap ng di na babalik.

Naalala mo pa ba?

Nung isang araw pumunta tayo sa isang paraiso

Nagtatawanan, nagkukulitan

Hanggang umabot sa seryosong usapan

“Salamat sayo, binuo mo ang winasak ng maling tao”

Mga linyang sinabi mo sa harap ko

Naalala mo pa ba?

Kung paano gumuhit ang mga ngiti sa labi ko

Sabay ng pagngiti ko ay niyakap mo ako

“Salamat dahil tinulungan mo ang sarili mo”

Bulong ko sa tenga mo

Habang dinadama ang higpit ng yakap mo.

Naalala mo pa ba?

Yung unang date nating dalawa

Habang may musika at sumasayaw tayong dal’wa

“Pwede bang akin ka na?”

“Pwede bang tayo nalang dal’wa?”

Mga tanong mo habang nakatitig ka sa aking mga mata.

Naalala mo pa ba?

Kung paano tumulo ang aking mga luha

Dahil sa sayang nadarama

Dahil hindi ko inasahan na ako’y mamahalin mo

“Oo. Sayong sayo ako, mahal ko”.

Mga linya kong corny pero seryoso.

Naalala mo pa ba?

Kung paano natin binago ang buhay ng isat isa

Kung paano tayo naging masaya?

Kung paano tayo nagsimula?

Kung gaano kita kamahal?

At kung paano natin pinahalagahan ang relasyong meron tayong dalwa?

Naalala mo pa ba?

Nung isang araw habang masaya tayong dalwa

Bigla mo siyang nakita

Napalingon ka at natulala

Napalingon siya sa direksyon nating dalwa

At ngumiti na tila ba’y masaya ng makita ka ulit.

Naalala mo pa ba?

Yung panahong di mo na ako tinetext

Yung panahong di ka na tumatawag

Yung panahong di ka na nagpaparamdam

Yung araw na bumalik lang siya

Parang nawalan na ako ng saysay.

Naalala mo pa ba?

Kung paano ko kayo nahuli?

Kung paano ka nagulat ng makita ako

Habang nakayakap siya sayo?

Kung paano mo muling pinaluha ang mga mata ko

Pero ang dahilan ngayon ay ang pagtataksil mo.

Naalala mo pa ba?

Yung sampal na nagmula sa kamay ko

Na dumampi diyan sa pisngi mo

Yung mga luha kong nag uunahan sa pagtulo

Yung mga luhang kahit kailan

Ay hindi matutumbasan ng sampal na binigay ko sayo.

“Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya”

Mga linya mong hindi kapani-paniwala

Sinaktan mo ako

Pinaiyak mo ako

Niloko mo ako

Pinagpalit mo ako sa maling taong sinabi mo dati

Naalala mo pa ba?

Yung araw na kinausap muli kita

“Bakit nagawa mo to?”

Tanong ko na hindi ko alam kung masasagot mo

“Patawad”

Ang tanging salitang narinig ko mula sayo.

Pinatawad kita

Niyakap kita sa huling pagkakataon

At sapilitang sinabi kahit masakit ang mga linyang

“Sana hindi mo nalang ako minahal”

Naglakad ako palayo sayo

At siniguradong di na muling lilingon pa sayo

Habang papalayo

Aking napagtanto

Na hindi porket ikaw ang bagong nagpapasaya

Ikaw na ang taong mamahalin niya ng totoo.

PS: may part 2 po ito. Masyado kasing mahaba. Hehehehe. Anyway,thank you for reading 😊

Kahit Na Wala Pa Ang Tayo

By: Graciously Lucky

Isang lovestory

Love story nga bang maituturing

Ang ganitong sitwasyon

Sitwasyong nakakagago

Sitwasyong magulo

Bakit magulo ang mundo?

Pwede bang gawing simple nalang?

Pwede bang alisin na natin ang salitang “PERO”

Pwede bang isang simpleng “MAHAL KITA” nalang?

Love story nga bang maituturing

Ang ganitong sitwasyon

Na baka sa dulo’y pareho lang din naman pala tayo matatalo.

Hindi nga pala lovestory

Nagkamali ata ako

Kundi isang storya

Storya ng naging magkaibigan

Na nahulog tayong dalwa

Habang ang isa ay may mahal pang iba.

Storya ng naging magkaibigan

Sa patibong ni kupido

Na tila ba’y mahirap ng takasan.

Paano ko ba uumpisahan?

Paano ko ba sisimulan?

Ang pagsasalaysay ng isang kwento

Kwentong magulo

Pero ginusto ko

At ginusto natin pareho

Uumpisahan ko sa isang araw

Sa araw na nakilala kita

Sa araw na nakausap ka

At sa araw na naging kaibigan kita

Nang makita kita

Hindi ko inasahan na magiging kaibigan kita

Nang makilala kita

Hindi ko inasahan na magugustuhan kita

At ng makilala kita

Hindi ko inasahan na nagiging mahalaga ka na pala.

Masaya

Oo, masaya

Sobrang saya dahil nakilala kita

Sobrang saya dahil nahanap kita

Masaya dahil nandiyan ka.

Ngunit lahat pala talaga ng saya

May kapalit na lungkot at luha

Kapalit ng sayang nadarama

Ay kalungkutan na di na ata matatapos pa

Dahil heto ako

Mukhang nahuhulog na ata sayo

Nahuhulog sa isang tao

Nahuhulog sa taong may ibang gusto

Nahuhulog sa taong may mahal ng iba

Nahuhulog sa taong kaibigan lang dapat

Nahuhulog sa taong hanggang dun lang ang tayo.

Nahulog ako

Nagmahal ako

At nasasaktan ako

Nasasaktan dahil iba ang mahal mo

Nasasaktan dahil hindi pwede ang tayo.

Maniwala ka man o hindi

Pinilit ko

Pinilit kong iwasan ka

Pinilit kong wag ng sagutin ang mga text mo

At higit sa lahat

Pinilit kong wag mahulog sayo.

Simula nun

Ang pag uusap ay nabawasan

Ngunit tila ang pagmamahal ko para sayo

Ay ni katiting hindi man lang nabawasan.

Isang araw nabalitaan ko

Na hindi na pala kayo

Na hiwalay na kayo.

Alam kong baka mahal mo pa rin siya

Alam kong hanggang ngayon

Hanggang ngayon baka sakaling di mo pa siya limot

Ngunit hayaan mo sana ako

Hayaan mo akong mahalin ka

Hanggang sa matauhan tayo pareho

Matauhan na mahalin ang isat isa

Matauhan na bigyan ng pagkakataon ang isat isa

Matauhan na baka sa dulo pwede na ang tayo.

Gusto kita

Oo, gusto kita

Gustong gusto kita

Dahil sa bawat araw na kausap ka

Ngayon lang ulit ako naging masaya

Sa bawat araw na nakikita kita

Tila ba’y kumpleto na

At sa bawat araw na lumipas

Hindi ko alam

Hidndi ko maiwasan

Hindi ko mapigilan

Na ikaw pala’y mahal na.

Salamat

Pagkat akoy iyong minulat

Sa katotohanang masarap pala magmahal

Salamat sayo

Dahil hindi mo ko iniwan

Sa panahong malungkot

Sa panahong halos walang makausap.

Salamat sayo, mahal ko

Dahil hanggang ngayon

Pinapahalagahan mo ako

Kahit na wala pa ang tayo.

Stronger Than The Storm

“You can’t stop the waves. But you can learn to surf” —-(quote from google)

Hindi lahat ng sugat madaling maghilom. Pero lahat ng ito pwedeng maghilom. It takes time to heal. Just let the Lord guide you and let Him enter in your life. Through that, you’ll realize that with God nothing is impossible and being with God, you will be more stronger than the storm.

Kanina I had my check up because I have skin allergies, so I need to meet my dermatologist at SM Manila.

Nung andun na ako sa clinic, maybe napansin ni doc na may kakaiba sakin. (Kasi ng sobrang down talaga ako these past few days. As in. Minsan wala akong gana kumain. At lagi lang nakahilata sa kama. Kapag may mag oorder sa shop saka lang ako gagalaw at gagamit ng phone. Kumbaga, wala akong gagawin sa buhay ko kung walang pinapagawa).

Then my doctor asked me: “anong nangyari? Mugtong mugto yang mata mo”.

Ako: (tiningnan ko siya and smile) Wala po ito doc.

Doc: alam mo namang napamahal ka na sakin di ba? I’m also a mother. Kaya alam ko kung may problema ang isang anak. And anak na ang turing ko sayo dahil napakabuti mong tao at masayahin. So kung ano man yan andito lang ako. Okay? Sige na punta ka na sa loob at magstart na ng skin treatment mo.

Naglakad na ako papunta dun sa room kung saan gagawin ung treatment. Kaso feeling ko may kulang. . . .

Tumakbo ako oabalik kay doc at niyakap ko siya. Saka ako humagulgol ulit ng iyak. Di siya nagsalita ng kahit na ano. Hinayaan niya lang ako umiyak. Wala siyang pakialam kung nababasa na siya ng luha ko. At saka ako nagsimulang magkwento habang nakayakap sa kanya.

The last thing she told me: “Laban lang. Kaya mo yan. Isa ka sa taong matapang na nakilala ko. Lahat ng ito malalampasan mo”.

Fast forward. . .

After that, I went to the church sa St Jude. Kinakausap ko na naman Siya habang umiiyak. Bago ako umalis ng simbahan, huminto ako sa may main entrance at bumulong ” Lord, Sorry kung muntikan na akong sumuko. Pangako, ibabalik ko na ang Tinay na masayahin, matapang at lumalaban. Dahil kahit ako namimiss ko na ang dating ako. Panahon na po Lord para lumaban na ulit. Panahon na po siguro para palayain ko ang sarili ko sa sakit na naramdaman ko last year na hanggang ngaun ay dala dala ko. ”

At nung pagkalabas na pagkalabas ko ng simbahan, tumingala ako sa langit saka sinabing “Malaya ka na ulit self. Keri na ulit to. Ngingiti ka na ulit ng walang pait. Yung ngiting totoo”.

PS

I want to thank everyone who DM me in twitter and instagram,PM in my messenger and sms and commented here. Thank you for the advice guys. 😊 mahal ko kayo 😊 Sana magtulungan tayong lahat para labanan ang depression at panatilihing matatag ang bawat isa lalo na ang mga taong napanghihinaan na ng loob. Laban lang guys 😊 Mahal tayo ng Panginoon 😊