
“WHAT HAPPENED TO US?”
Isang tanong na napakahirap sagutin.
Isang tanong na hindi ko alam kung saan sisimulan
Isang tanong na itatanong ng paulit ulit
Isang tanong, na kahit siguro tayong dalawa’y hindi kayang sagutin.
Isang gabi habang tayo’y magkausap
Habang nagkukulitan at nag aasaran
Napahinto ka saglit
Lumipas ang ilang segundo
Inaabangan ang bagong iaasar mo
Ngunit bigla kang nagsalita
“WHAT HAPPENED TO US?”
Ako’y nabigla
Paulit ulit na naririnig sa aking isipan
Ang tanong na hindi ko rin alam sagutin
Ang tanong na matagal ko na sayo’y gustong tanungin
“WHAT REALLY HAPPENED TO US?”
Sa pagkakatanda ko
Masaya tayo
Masaya tayo sa kung anong meron tayo
Na tanging tayong dalawa lang ang nakakaalam
Masaya kang sinusundo ako
Masaya akong sasalubungin ka
Masaya akong nagkwekwento ng mga nangyari sa araw ko
Masaya kang nakikinig kahit na sobrang daldal ko
Masaya tayong nagkwekwentuhan
Habang nagpapalipas ng oras sa tindahan
Masaya tayong nag aasaran
Habang nag aantay mawala ang traffic sa daan
Masaya tayong maglalakad papunta sa sakayan
Upang gumayak at umuwi na
Masaya tayong sumasakay sa jeep
Habang ulo ko’y nakasandig sa balikat mo
Masaya tayong lilipat sa bus
Habang magkahawak kamay hanggang makarating sa paroroonan.
Masaya tayong bababa
Dahil magkasama tayo sa simula
Masaya tayong magpapaalam sa isa’t isa
Dahil kampante akong kinabukasan makikita pa kita
Makikita pa natin ang isa’t isa
At hindi pa dun nagtatapos ang araw
Dahil kahit tayo ay nasa kanya kanya ng tahanan
Mag uusap pa rin hanggang magdamag
Na tila ba’y parati natin namimiss ang isat isa
Magtatapos ang araw nating dalwa
Na magkausap kahit alam nating pagod na tayong dalwa
Matatapos ang tawagan sa telepono
Sa isang simpleng “Goodnight love, mahal kita”
Ngunit biglang nag iba
Nagbago lahat
Nagbago simula ng nawala ka
Nagbago simula ng umalis ka sa kumpanya
Lalabas ako ng opisina
Nagbabakasakaling susundo ka
Nagbabakasakaling may sasalubungin ako
Nagbabakasakaling nag aantay ka
Ngunit tila ba’y nakalimutan ko
Wala ka na pala
Ako nalang pala mag isa
Ako nalang pala talaga
Malungkot akong maglalakad papunta sa tindahan
Habang magpapalipas ng oras
Malungkot ako habang nakatingala sa langit
Iniisip kung ano kaya ginagawa mo ngayon
Malungkot akong maglalakad papunta sa sakayan
Upang gumayak at umuwi na
Malungkot akong sumasakay sa jeep
Habang tinitingnan ang mga taong naglalambingan
Malungkot akong lilipat sa bus
Habang nakasilip sa bintana at inaabangan ang lugar kung saan ako bababa
Malungkot akong bababa
Dahil mag isa nalang ako
Malungkot akong papasok sa bahay
Dahil ang taong nagpapaalam saakin noon ay tuluyan ng nagpaalam
At alam kong hindi ko na makikita kinabukasan
At hindi pa dun nagtatapos ang araw
Dahil kahit ako’y mag isa nalang
Nag aabang pa rin ako
Na baka sakaling tumunog ang telepono ko at makita ang pangalan mo
Baka sakaling mag uusap pa rin tayo hanggang magdamag
Na baka sakaling namimiss mo pa rin ako
Magtatapos ang aking araw at gabi
Na hindi ka man lang nakausap
Matutulog ako sa gabi
Na hindi ko na ulit naririnig
Ang isang simpleng “Goodnight love, mahal kita”
“WHAT HAPPENED TO US?”
Isang tanong na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot
Isang tanong, na mananatiling palaisipan
Alam ko na. . . . .
Isang tanong na baka ako ang naging dahilan
Upang matapos ang masasaya nating araw.