“Let’s End This!”

The moment your eyes meet mine

I know there was something you want to tell

I can’t figure it out

But please don’t keep it longer

I looked at you

I looked at your eyes

Which speaks a thousand of words

But your mouth couldn’t utter any single one

Until I can’t take it any longer

I broke the silence and started to speak

“What’s wrong?”

I asked

You looked at me directly

You hold my hand

“What happened to us?”

You responded.

A question that hit me so hard

A question that I can’t even answer

A question that I always wanted to ask

A question that made me think “what’s wrong with us?”

“Let’s end this”

Three words from you that hurt me so much

Three words from you that made me cry

Those three words that i can’t even process on my mind

Tears fell

I can’t deny the fact that it breaks me

Those words from you broke me

You broke me again

The next thing I knew

You were walking away

Walking away from me

Every step you take hurts me

I still remember that night

The night you end the relationship I am trying to build

The night you walked away

The night that made me think

“What have I done to deserve this kind pain?”

Tamang Panahon

Mahirap magtiwala ulit. Masakit pero minsan kailangan magtiwala muli. Parang ang puso, minsan kailangan munang mabigo para muling mabuo.

Habang ako’y nakikinig ng musika

Pinapakiramdaman ang bawat linya ng kanta

Pinapakiramdaman ang sakit na nararamdaman ng kumakanta

Pinapakiramdaman. . .ang sakit na aking nadarama.

Habang nakikinig ng musika

Naalala kita

Naalala ko nung tayo ay masaya pa

Naalala ko lahat hanggang sa huling araw na tayo ay di na muli nagkausap pa

Habang nakikinig ng musika

Bigla nalang ako napangiti

Dahil naalala ko ang panahong kasama pa kita

Habang iyong inaawit ang paborito kong kanta

Habang nakikinig ng musika

Bigla kong naalala

Kung paano mo ako tinititigan sa aking mga mata

Kung gaano sinasabi ng iyong mga titig ang salitang “mahal kita,aking prinsesa”

Habang nakikinig ng musika

Habang mga mata’y nakapikit

Naalala ko ang mga ngiti sa labi mo

Ang mga ngiti mong tila ba’y sinasabing “masaya ako dahil kasama kita”

Habang nakikinig sa musika

Nakapikit ang mga mata

Naalala kita. . .nalilito. . .nasasaktan. . .

Bakit tayo humantong sa sitwasyong hindi ko inaasahan.

Habang nakikinig ng musika

Mga luha’y bigla na lamang nagsipatakan isa isa

Nag uunahan sa pagpatak

Na tila ba’y wala ng iiiyak hanggang bukas.

Habang nakikinig ng musika

Habang tuloy tuloy ang patak ng mga luha

Naalala ko ang araw na tinanong mo ako

“Anong nangyari sa ating dalawa?”

Habang nakikinig ng musika

Patuloy ang pag iyak

Patuloy na bumabalik ang mga alaala

Sa mga masasayang araw na sana ay di na natapos pa

Habang nakikinig sa musika

Mga luha’y di mapigilan

Na simbolo na ako’y nasasaktan

Luhang simbolo na hanggang ngayon ikaw ay aking mahal.

Habang nakikinig sa musika

Biglang tumugtog ang “Patawad by Moira”

Pinakinggan maigi ang mga linya

Tagos sa puso, bawat linya ay damang dama.

“Wala na rin naman kahit na balikan”

Linya ni moira sa kanyang kanta

At bigla na namang kitang naalala

Nung araw na sinabi mo saakin, hindi mo pa pala kaya ulit ang magmahal

“At sa huling paalam,naintindihan. Na sa ating dalawa may ibang nakalaan”

Huling linya ng kanyang kanta

Naalala ko ang araw na sinabi mo sa akin na may bago ka ng mahal

Yung araw na nalaman kong kayo na pala.

Habang patuloy na nakikinig sa musika

Ako’y napapikit. . .nanalangin

Na sana dumating ang araw na matapos na ang sakit

Na sana ako’y lumaya na sa kalungkutang hanggang ngayon ay pilit na nilalabanan

Na sana sa mga susunod na araw, buwan o taon ay akin ng maintindihan

Na baka nga. . .

Baka sakaling sa tamang panahon ako’y ilalaan

Hindi man sayo

Pero sa taong mamahalin ko ng lubusan.

========================================

Bigla kong napagtanto

Oo nga pala, mahirap magtiwala ulit,

Masakit pero minsan kailangan magtiwala muli.

Parang ang puso,

Nasasaktan, lumuluha

At madalas ay nabibigo pa

Pero minsan kailangan nating masaktan at mabigo

Para muling mabuo.

“WHAT HAPPENED TO US?”

“WHAT HAPPENED TO US?”

Isang tanong na napakahirap sagutin.

Isang tanong na hindi ko alam kung saan sisimulan

Isang tanong na itatanong ng paulit ulit

Isang tanong, na kahit siguro tayong dalawa’y hindi kayang sagutin.

Isang gabi habang tayo’y magkausap

Habang nagkukulitan at nag aasaran

Napahinto ka saglit

Lumipas ang ilang segundo

Inaabangan ang bagong iaasar mo

Ngunit bigla kang nagsalita

“WHAT HAPPENED TO US?”

Ako’y nabigla

Paulit ulit na naririnig sa aking isipan

Ang tanong na hindi ko rin alam sagutin

Ang tanong na matagal ko na sayo’y gustong tanungin

“WHAT REALLY HAPPENED TO US?”

Sa pagkakatanda ko

Masaya tayo

Masaya tayo sa kung anong meron tayo

Na tanging tayong dalawa lang ang nakakaalam

Masaya kang sinusundo ako

Masaya akong sasalubungin ka

Masaya akong nagkwekwento ng mga nangyari sa araw ko

Masaya kang nakikinig kahit na sobrang daldal ko

Masaya tayong nagkwekwentuhan

Habang nagpapalipas ng oras sa tindahan

Masaya tayong nag aasaran

Habang nag aantay mawala ang traffic sa daan

Masaya tayong maglalakad papunta sa sakayan

Upang gumayak at umuwi na

Masaya tayong sumasakay sa jeep

Habang ulo ko’y nakasandig sa balikat mo

Masaya tayong lilipat sa bus

Habang magkahawak kamay hanggang makarating sa paroroonan.

Masaya tayong bababa

Dahil magkasama tayo sa simula

Masaya tayong magpapaalam sa isa’t isa

Dahil kampante akong kinabukasan makikita pa kita

Makikita pa natin ang isa’t isa

At hindi pa dun nagtatapos ang araw

Dahil kahit tayo ay nasa kanya kanya ng tahanan

Mag uusap pa rin hanggang magdamag

Na tila ba’y parati natin namimiss ang isat isa

Magtatapos ang araw nating dalwa

Na magkausap kahit alam nating pagod na tayong dalwa

Matatapos ang tawagan sa telepono

Sa isang simpleng “Goodnight love, mahal kita”

Ngunit biglang nag iba

Nagbago lahat

Nagbago simula ng nawala ka

Nagbago simula ng umalis ka sa kumpanya

Lalabas ako ng opisina

Nagbabakasakaling susundo ka

Nagbabakasakaling may sasalubungin ako

Nagbabakasakaling nag aantay ka

Ngunit tila ba’y nakalimutan ko

Wala ka na pala

Ako nalang pala mag isa

Ako nalang pala talaga

Malungkot akong maglalakad papunta sa tindahan

Habang magpapalipas ng oras

Malungkot ako habang nakatingala sa langit

Iniisip kung ano kaya ginagawa mo ngayon

Malungkot akong maglalakad papunta sa sakayan

Upang gumayak at umuwi na

Malungkot akong sumasakay sa jeep

Habang tinitingnan ang mga taong naglalambingan

Malungkot akong lilipat sa bus

Habang nakasilip sa bintana at inaabangan ang lugar kung saan ako bababa

Malungkot akong bababa

Dahil mag isa nalang ako

Malungkot akong papasok sa bahay

Dahil ang taong nagpapaalam saakin noon ay tuluyan ng nagpaalam

At alam kong hindi ko na makikita kinabukasan

At hindi pa dun nagtatapos ang araw

Dahil kahit ako’y mag isa nalang

Nag aabang pa rin ako

Na baka sakaling tumunog ang telepono ko at makita ang pangalan mo

Baka sakaling mag uusap pa rin tayo hanggang magdamag

Na baka sakaling namimiss mo pa rin ako

Magtatapos ang aking araw at gabi

Na hindi ka man lang nakausap

Matutulog ako sa gabi

Na hindi ko na ulit naririnig

Ang isang simpleng “Goodnight love, mahal kita”

“WHAT HAPPENED TO US?”

Isang tanong na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot

Isang tanong, na mananatiling palaisipan

Alam ko na. . . . .

Isang tanong na baka ako ang naging dahilan

Upang matapos ang masasaya nating araw.

Sana’y Ako Nalang

Mahal pwede bang ako nalang?

Ako nalang ung kahawak kamay mo sa daan?

Ako nalang ung kayakap mo sa tuwing tag ulan

Ako nalang ung kasama mong mahiga sa damuhan.

Mahal pwede bang ako nalang?

Ako nalang ang sasabihan mo ng “mahal kita”

Sabihan mo ng “sabay tayong tatanda”

Sabihan mo ng “ayokong mawala ka”

Mahal pwede bang ako nalang?

Ako nalang ang lambingin mo sa tuwing nagtatampo

Ako nalang ang ipagluto mo ng aking paborito

Ako nalang ang halikan mo sa noo

Mahal pwede bang ako nalang?

Ako nalang ang ipakilala mo sa pamilya mo

Ako nalang ang kausap mo magdamag

Ako nalang ang kasabay mo mangarap.

Ngunit alam kong malabo mahal

Kasing labo ng sitwasyong ating hinaharap sa kasalukuyan

Kasing labo ng mundong ginagalawan

Kasing labo ng puso kong di ko na maintindihan

Mahal, mahal kita

Higit pa sa inaakala mo

Higit pa sa inaakala ko

Mahal kita at yun ang totoong nadarama

Masaya ako sa kung anong meron tayo

Hahayaan ko nalang siguro

Na ang tadhana ang kumilos

Para sa pag iibigang sanay hindi maglaho at matapos

Mahal, sana hayaan mong ako muna

Ako muna ang kahawak kamay mo sa daan

Ako muna ang kayakap mo araw araw hindi lang tuwing tag ulan

Ako muna, ay mali pala

Tayo nalang muna mahal.

Pagod

Nasa punto ako ng buhay ko

Na litong lito na ako

Kung lalaban pa ba

O susuko na lang kaya ako.

“Pagod na ako”

Mga salitang nais kong sabihin sainyo

“Pagod na ako”

Mga linyang gustong gusto ng bitawan ng bibig ko.

Pero bago ang lahat

Gusto kong ikwento sainyo

Ang laban na pinilit kong ipaglaban

Kahit na ang manalo ay walang kasiguraduhan.

Gusto kong malaman niyo

Ang kwento sa kabila ng mga ngiti ko

Ang kwento sa kabila ng mga tawa ko

Ang isang kwentong akala ng iba masaya

Ngunit punong puno ng lugkot at luha.

Nagsimula akong mangarap

Mangarap hindi para sa sarili ko

Kundi para sa mga taong mahal ko

Higit sa lahat para sa pamilya ko

Gusto kong mangarap para sa sarili ko

Ngunit tila isa itong rebelyon

Na ang hindi pagsunod sa kanila

Ay kailanman hindi maaari.

Hustisyang Nakapiring

Hustiya nga ba’y buhay pa?

O katulad na lamang ng mga taong pinaslang ng walang kalaban laban?

Hustiya nga ba’y mananaig pa?

O mananatili nalang nakapiring?

Sa panahon ngayon

Iba na ang batas

Minsan tila’y may butas

Akala ng lahat ay tapat

Yun pala ay isang demonyo at hudas.

Hawak sa leeg ng nga mayayamang pulitiko

Ang mga mahihirap na nagpapayaman sa mga hangal

Kahit ano ay handang gawin ng mga kurap na opisyal

Para lamang bumango ang kanilang pangalan

Katulad na lamang kung paano sila kumitil ng buhay

Buhay na walang kalaban laban

Buhay na paulit ulit sinasabing baka napagkamalan lang daw

Napagkamalan nga ba?

O sadyang tatablahin ang hustisya para lang sa pera

Parang isang eksena sa pelikula

Na may papatayin sa una

Ngunit ang kaibahan ng reyalidad at pelikula

Sa pelikula, matatapos at sa dulo makukulong ang may sala

Hindi katulad sa reyalidad

Mauuna pang matapos ang mundo

At ang hustisya ay hindi pa nakukuha

Lalo na kung wala kang perang inihanda.

Sa dami ng pinatay

Sa dami ng buhay na ninakaw

Sa dami ng inosenteng taong pinaslang ng walang kalaban laban

Sa dami ng taong pinagbintangan at nilalagyan ng karatulang laman ay kasinungalingan

Hustisya ang tanging sigaw

Ng mga pamilya ng pinaslang

Hustisya ang tanging hiling

Ng mga pamilyang naghihinagpis

Bakal na timbangan

Ngunit mukhang may sira

Dahil mas angat ang mga makapangyarihan

Mas angat ang kumukurakot sa kaban ng bayan.

Espadang kinakalawang

Na akala ko pa naman ay simbolo ng respeto

Ngunit tila lahat nagbabago

Dahil parang may depekto at ngayon ay may kinikilingan

Ngayon alam ko na

Kung bakit may piring ang katarungan

Kaya ngayon tuloy hindi niya makita ang katotohanan

Hindi makita kung sino ba ang dapat hatulan.

Anong nangyari sa ating bansa?

Tanong na gusto kong masagot

May batas pa nga ba para sa hustisya?

O mismong batas natin ang pumipigil sa hustisya

Kasabay ng pagbagsak ng tingga

Ay sya ring pagtulo ng dugo sa lupa

Kasabay ng pagbaha ng dugo

Ay ang pagkalunod ng ating bansa sa kamay ng mga sakim na pulitiko

Sa mundong ating ginagalawan

Sa mundong eto na puno ng kasamaan at karahasan.

Tama Na Siguro

“Para tayong cactus na sa sobrang higpit ng yakap nating dal’wa, hindi natin namamalayan nasasaktan na pala natin ang isa’t isa”.

Uumpisahan ko sa isang araw

Sa araw na nakilala kita

Sa araw na nakausap ka

At sa araw na naging kaibigan kita

Nang makita kita

Hindi ko inasahan na magiging kaibigan kita

Nang makilala kita

Hindi ko inasahan na magugustuhan kita

At ng mas nakilala kita

Hindi ko inasahan na nagiging mahalaga ka na pala.

Naalala ko ang unang araw na nagkita tayo

Aaminin ko, naiilang ako

Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin

Hindi ko alam kung paano ka kakausapin

Naalala ko ang unang beses mong hinawakan ang mga kamay ko

Kinilig ako

Tila ba’y may mga paru parong nagsisiliparan

Para bang tumigil sandali ang ikot ng mundo

Naalala ko ang higpit ng hawak mo sa mga kamay ko

Na para bang kahit saan ako magtungo

Hanggat hawak mo ako

Ay siguradong ligtas ako

Naalala ko ang unang beses na dumampi ang mga labi mo sa noo ko

Na nagpakalma sa puso ko

At pinaalala kung gaano mo ako nirerespeto

Ang halik mo sa noo ko na simbolo ng pagmamahal na alam kong pareho nating naramdaman

Naalala ko ang unang beses na ang mga labi natin ay dumampi sa isat isa

Para bang ako’y nasa langit kasama ang lalakeng mahal ako at mahal ko ng sobra

Halik sa labi na gumising muli sa puso kong nagpahinga

Mga halik sa labi na nagsilbing simbolo ng pagmamahal na totoo.

Naalala ko ang unang byahe kasama ka

Ang tahakin ang mga lugar na hindi ko alam

Pero kampante ako dahil kasama kita

Byaheng ayoko sanang matapos dahil ako’y masaya habang katabi kita.

Naalala ko lahat mahal ko

Naalala ko ang mga masasayang alaala kasama ka

Naalala ko kung gaano tayo kasaya

Naalala ko ang pagmamahalan na sana ay di na matapos pa

Masaya

Oo, masaya

Sobrang saya dahil nakilala kita

Sobrang saya dahil nahanap kita

Masaya dahil nandiyan ka mahal ko

Ngunit lahat pala talaga ng saya

May kapalit na lungkot at luha

Kapalit ng sayang nadarama

Ay kalungkutan na di na ata matatapos pa

Bakit may mga bagay na di pwede?

Mga bagay na di maaari

Mga bagay na masaya naman tayo

Ngunit mga bagay na nasasaktan tayo.

Bakit magulo ang mundo?

Pwede bang gawing simple nalang?

Pwede bang alisin mo na ang “PERO”

Pwede bang isang simpleng “MAHAL KITA” nalang?

Maraming BAKIT ang nasa isip ko

Ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi ko masagot

Maraming SANA ang nanghihinayang ako

Na kahit sarili ko ay umaasa sa mga sanang ito.

Sa totoo lang ayokong pakawalan ka

Pero ayoko din maging sakim sa paningin ng iba

Ayoko tanggalin sayo ang karapatang magmahal ng iba

Magmahal nang hindi nagkakasala

Panalangin ko

Sana maging masaya ka

Dahil yun ang mahalaga

Ang makita kitang masaya

Sana maging masaya ka

Uumpisahan ko sa isang araw

Sa araw na nakilala kita

At tatapusin ko sa isang gabi

Na labag man sa kalooban

Ngunit kailangang tatagan.

Bago ko tapusin ang tulang to

Gusto kong sabihin muli saiyo

Ang mga katagang, salamat sayo

Dahil naging masaya ako

Bago ko wakasan ang tayo

Gusto kong bitawan ang mga salitang alam kong totoo

Ang mga salitang hindi ko maipagkakaila sayo lalo na sa sarili ko

“MAHAL NA MAHAL KITA “.

– – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – – –

Panahon na siguro para bitawan ang mga salitang “TAMA NA. ITIGIL NA NATIN TO”.

Paalam Sayo, Mahal Ko.

Isang kay dilim na gabi

Ang nag udyok sa isang pangyayari

Ganun ata talaga

May mga pagkakataong hindi maganda

Hindi maganda ang pagtatapos

At hindi na maayos.

Ako’y nag iisip

Ng mga bagay na hindi ko maintindihan

Nga bagay na di ko inaasahan

Kasabay ng aking pag iisip

Ay mga luhang di mapigilan

Mga luhang kusang pumapatak

At mga luhang ikaw ang dahilan.

Mahal, naalala mo pa ba?

Nung mga panahong masaya pa tayo?

Yung mga araw na sinabi mong mahal mo ako?

Nung mga araw na may ikaw at ako.

Naalala ko yung mga panahong tayo pa

Ang mga linya mong “MAHAL KITA”

“GUSTO KITANG KASAMA”

At “PAPAKASALAN KITA”.

Mahal asan na?

Bakit biglang naglaho?

Bakit biglang nawala?

Nawala ang pag ibig na akala ko’y panghabang buhay na.

Naniwala ka sa sarili mong pananaw

Kaya ka siguro nang iwan

Pero mahal, wala akong iba

At tanging ikaw lang

Pero bakit bigla mo akong iniwan?

Mahal, masaya naman tayo di ba?

Pero bakit biglang nag iba?

Akala mo ako’y may iba na

Pero mahal, sayo lang ako masaya.

Siguro nga wala ng tayo

Wala ng ikaw at ako

Siguro kelangan ko nalang tanggapin

Na may mga bagay na bigla nalang naglalaho

Mga bagay na mawawala

Mga bagay na di na mababalik pa

At mga bagay na isa ng alaala.

Sana huli na to

Huli na sana ito

Dahil nakakapagod na

Nakakapagod na magmahal

Magmahal ng taong puro duda.

Salamat sa pag ibig mo

Salamat at binago mo ako

Binago upang maging mabiting tao

Salamat at minahal mo ako

At salamat sa lahat mahal ko.

Sana maging masaya ka

Dahil sa panahong kasama kita

Naging masaya ako

Sa buhay pag ibig na meron tayo

Sa isang mahabang kwentong ito

Na ang bida sana ay ikaw at ako.

Isang madilim na gabi

Isang hindi inaasahang pangyayari

Ang sisira saatin

Ang sumira sa relasyong matagal nating binuo

Sa isang madilim na gabi

Na ang tayo ay hindi na maayos pang muli.

Paalam sayo, mahal ko.

Wakas

Wakas

Isang katagang sumasagi sa isip ko

Salitang inaantay ko

Ang salitang magpapalaya sa TAYO.

Kailan?

Kailan nga ba matatapos to?

Kailan ba ako hihinto?

Kailan ko ba masasabing ako’y malaya na?

Ngunit parang naisip ko

Mali ata ang tanong ko

Hindi dapat KAILAN

Ngunit siguro dapat mag uumpisa sa SAAN.

Saan ba mag uumpisa ang wakas,

O wawakasan nalang ang naumpisahan.

Palalayain nalang ba kita ng tuluyan

O pipiliting kumapit sa laylayan?

Wari’y isang paulit ulit na siklo lamang,

Ang guguhit sa mapaglarong tadhana.

Magmamahal, masasaktan, luluha

Ngunit babalik ang puso kung saan ito nakaramdam ng sayanat tuwa.

Ang pag ibig ay isang malaking sugal

Na lahat tayo ay taya,

Isang malaking pasugalan

Na hindi ko alam kung panalo

O magiging isang talunan sa dulo.

Para isang laro

Na gustong gusto kong ipanalo

Walang pakialam sa dami ng kalaban ko

Walang ibang iniisip

Kundi ako’y hindi magpapatalo.

Pero bakit ganun?

Bakit ako ang ginawa mong laro?

Larong mukhang hindi mo sineryoso

Ako ay naging isang laro na hindi mo na isinugal

Kundi iyong pinatalo ng wala man lang kalaban laban.

Saan ?

Saan na ako magsisimula?

Ngayong iniwan mo akong mag isa.

Saan ako mag uumpisa?

Ngayong ako pala’y isinuko mo na.

Ngunit nais kong malaman mo

Bago ako umayaw

Paulit ulit muna akong umintindi

Bago ako tumahan

Ilang beses muna kitang iniyakan

At bago kita sinukuan

Ilang beses kong isiniksik ang sarili

Ilang beses akong lumaban

Ilang beses kong ipinilit sa sarili

Ang mga salitang “laban lang, mananalo ka rin”.

Ngunit ikaw na mismo

Ang nagmulat sa akin ng totoo

Na kahit anong kapit,iyak at laban ko

Hindi na muling mababalik ang dating TAYO

Hanggang sa matauhan ako

Na wala ng tayo

Hindi ako sumuko dahil gusto ko

Sumuko ako dahil isinuko mo ako kahit lumalaban pa sana ako.

Wakas

Isang katagang sigurado na ako

Salitang iniiwasan ko nung mayroon pang TAYO

Dahil gustong gusto kong ilaban ang ikaw at ako.

Ngunit eto pala ang salitang magpapabalik sa mga ngiti ko.

Ang salitang magpapalaya sa sarili ko.

Sa paikot ikot na mundong punong puno ng kapusyawan.

Malungkot pero masaya.

Malungkot dahil natapos ang TAYO

Pero masaya dahil ako’y malaya na.

Huling Lingon

Nandito ako

Nakatayo mag isa

Sa lugar kung saan dapat tayo ang magkasama

Habang hawak sana ang mga kamay

Na akala ko kailanman ay hindi mo bibitawan

Ngunit ako’y nagkamali

Dahil nalingat lang ako ng sandali

Naglakad ka na palayo

At hindi na bumalik muli

Isang mahabang daan

Na hindi alam kung may patutunguhan

Isang mahabang daan

Na ang kasama ay hindi na ikaw

Sa isang mahabang daan

Na mag isa akong makikipagsapalaran

Ngunit hindi ko maintindihan

Dahil hanggang ngayon

Sinasabi ko sa sarili

Na baka sakali sa dulo neto

Ikaw ay naghihintay

Ngunit isang imahinasyon nalang

Na ika’y makita sa dulo

At baka umasa lang ulit ako sayo

Pinipilit ang mga paa

Na ihakbang isa isa

Upang makarating sa patutunguhan

Kahit na alam kong sa dulo

Ako ay mag isa nalang lalaban

Naghakbang ng isa

At lumingon ng saglit

Ngunit mukhang napatunayan ko na

Na wala ka na pala talaga

Inihakbang ang kaliwang paa

At lumingon muli

Nagbakasakaling makikita na kita ulit

At nang hindi na kita matanaw

Nagpatuloy sa paglalakad

Tuloy tuloy. . .

Habang ang mga luha

Ay kusang pumapatak

Tuloy tuloy. . .

Hanggang sa narating ang dulo

Tuloy tuloy. . .

Habang pinipilit ang sarili

Na huwag ng lumingon muli

Tuloy tuloy. . .

At sa wakas narating ko din ang dulo

Ngunit sadyang marupok ang puso ko

Sadyang matigas ang ulo ko

Dahil kahit alam kong masasaktan lang ako

Lumingon muli ako. . .

Naglakas loob na lumingon sa huling sandali

Ngunit nagkamali ako

Dahil walang ikaw sa kabilang dulo

Umasa ako. . .

Nagbakasakali. . .

Na sa huling lingon ko

Ay makikita kita ulit

Naghintay ako. . .

Lumipas ang ilang segundo

Ngunit wala ka pa rin sa kabilang dulo

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto

Ngunit di masilayan kahit man lang anino mo

Lumipas ang ilang oras

At dun ko napagtanto

Na umaasa lang pala ako sayo

Umaasang babalikan mo

Umaasang papanindigan mo ang tayo

Umaasang baka ako pa rin ang mahal mo.

Bigla akong napaupo

Niyakap ang mga tuhod

Habang ang luha’y patuloy na tumutulo

Ang tanga ko. . .

Dahil iniwan mo na ako

Pero umaasa pa din ako sayo.

Ang tanga ko. . .

Dahil sumuko ka na

Pero pinipilit paring ilaban ka.

Ang tanga ko. . .

Dahil binitawan mo na ako

Pero pilit akong kumakapit.

Kumapit ako ng mahigpit

Sa pag aakalang ika’y kakapit muli

Kumapit ako ng maghigpit

Sa pag asang ang tayo ay manumbalik ulit

Kumapit ako ng mahigpit. . .

Hanggang sa di ko namalayan

Pinutol mo na pala

Ang lubid na nagsisilbing ugnayan nating dalwa.

Nandito ako. . .

Nakaupo mag isa

Sa dulo ng isang lugar kung saan dapat tayo ang magkasama

Habang tinititigan ko ang aking mga kamay

Na binitawan mo na pala. . .

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .