Nandito ako
Nakatayo mag isa
Sa lugar kung saan dapat tayo ang magkasama
Habang hawak sana ang mga kamay
Na akala ko kailanman ay hindi mo bibitawan
Ngunit ako’y nagkamali
Dahil nalingat lang ako ng sandali
Naglakad ka na palayo
At hindi na bumalik muli
Isang mahabang daan
Na hindi alam kung may patutunguhan
Isang mahabang daan
Na ang kasama ay hindi na ikaw
Sa isang mahabang daan
Na mag isa akong makikipagsapalaran
Ngunit hindi ko maintindihan
Dahil hanggang ngayon
Sinasabi ko sa sarili
Na baka sakali sa dulo neto
Ikaw ay naghihintay
Ngunit isang imahinasyon nalang
Na ika’y makita sa dulo
At baka umasa lang ulit ako sayo
Pinipilit ang mga paa
Na ihakbang isa isa
Upang makarating sa patutunguhan
Kahit na alam kong sa dulo
Ako ay mag isa nalang lalaban
Naghakbang ng isa
At lumingon ng saglit
Ngunit mukhang napatunayan ko na
Na wala ka na pala talaga
Inihakbang ang kaliwang paa
At lumingon muli
Nagbakasakaling makikita na kita ulit
At nang hindi na kita matanaw
Nagpatuloy sa paglalakad
Tuloy tuloy. . .
Habang ang mga luha
Ay kusang pumapatak
Tuloy tuloy. . .
Hanggang sa narating ang dulo
Tuloy tuloy. . .
Habang pinipilit ang sarili
Na huwag ng lumingon muli
Tuloy tuloy. . .
At sa wakas narating ko din ang dulo
Ngunit sadyang marupok ang puso ko
Sadyang matigas ang ulo ko
Dahil kahit alam kong masasaktan lang ako
Lumingon muli ako. . .
Naglakas loob na lumingon sa huling sandali
Ngunit nagkamali ako
Dahil walang ikaw sa kabilang dulo
Umasa ako. . .
Nagbakasakali. . .
Na sa huling lingon ko
Ay makikita kita ulit
Naghintay ako. . .
Lumipas ang ilang segundo
Ngunit wala ka pa rin sa kabilang dulo
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto
Ngunit di masilayan kahit man lang anino mo
Lumipas ang ilang oras
At dun ko napagtanto
Na umaasa lang pala ako sayo
Umaasang babalikan mo
Umaasang papanindigan mo ang tayo
Umaasang baka ako pa rin ang mahal mo.
Bigla akong napaupo
Niyakap ang mga tuhod
Habang ang luha’y patuloy na tumutulo
Ang tanga ko. . .
Dahil iniwan mo na ako
Pero umaasa pa din ako sayo.
Ang tanga ko. . .
Dahil sumuko ka na
Pero pinipilit paring ilaban ka.
Ang tanga ko. . .
Dahil binitawan mo na ako
Pero pilit akong kumakapit.
Kumapit ako ng mahigpit
Sa pag aakalang ika’y kakapit muli
Kumapit ako ng maghigpit
Sa pag asang ang tayo ay manumbalik ulit
Kumapit ako ng mahigpit. . .
Hanggang sa di ko namalayan
Pinutol mo na pala
Ang lubid na nagsisilbing ugnayan nating dalwa.
Nandito ako. . .
Nakaupo mag isa
Sa dulo ng isang lugar kung saan dapat tayo ang magkasama
Habang tinititigan ko ang aking mga kamay
Na binitawan mo na pala. . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
nice..
LikeLiked by 1 person
Thanks 😊
LikeLike
Keep writing.
LikeLiked by 1 person
Thank you 😊
LikeLike
Darating ang sandali’t pasasalamatan mo ako,
Sa duwag na paglisang
hindi man lamang nagpaalam.
Darating ang sandali’t
mapagtatanto mong buo,
ang kulang kulang na sukli
iniabot ko sa palad at puso mo.
Darating ang sandali’t
Kakapit kang muli
Sa braso ng iba; sa braso ng ibang sinta
Malilimot mo rin ako, Kahit dahan dahan;
Umasa kang darating din
Ang mga sandaling ito.
At nawa, dumating din ang
Sandaling mapatawad mo
Na binuhay ko ang pag-ibig mo
Sa mga panahon ng paglisan ko.
Minahal kita,
Kahit sandali lamang.
LikeLiked by 1 person
Sagot ba yan sa tula ko? 😊
LikeLiked by 1 person