Wakas
Isang katagang sumasagi sa isip ko
Salitang inaantay ko
Ang salitang magpapalaya sa TAYO.
Kailan?
Kailan nga ba matatapos to?
Kailan ba ako hihinto?
Kailan ko ba masasabing ako’y malaya na?
Ngunit parang naisip ko
Mali ata ang tanong ko
Hindi dapat KAILAN
Ngunit siguro dapat mag uumpisa sa SAAN.
Saan ba mag uumpisa ang wakas,
O wawakasan nalang ang naumpisahan.
Palalayain nalang ba kita ng tuluyan
O pipiliting kumapit sa laylayan?
Wari’y isang paulit ulit na siklo lamang,
Ang guguhit sa mapaglarong tadhana.
Magmamahal, masasaktan, luluha
Ngunit babalik ang puso kung saan ito nakaramdam ng sayanat tuwa.
Ang pag ibig ay isang malaking sugal
Na lahat tayo ay taya,
Isang malaking pasugalan
Na hindi ko alam kung panalo
O magiging isang talunan sa dulo.
Para isang laro
Na gustong gusto kong ipanalo
Walang pakialam sa dami ng kalaban ko
Walang ibang iniisip
Kundi ako’y hindi magpapatalo.
Pero bakit ganun?
Bakit ako ang ginawa mong laro?
Larong mukhang hindi mo sineryoso
Ako ay naging isang laro na hindi mo na isinugal
Kundi iyong pinatalo ng wala man lang kalaban laban.
Saan ?
Saan na ako magsisimula?
Ngayong iniwan mo akong mag isa.
Saan ako mag uumpisa?
Ngayong ako pala’y isinuko mo na.
Ngunit nais kong malaman mo
Bago ako umayaw
Paulit ulit muna akong umintindi
Bago ako tumahan
Ilang beses muna kitang iniyakan
At bago kita sinukuan
Ilang beses kong isiniksik ang sarili
Ilang beses akong lumaban
Ilang beses kong ipinilit sa sarili
Ang mga salitang “laban lang, mananalo ka rin”.
Ngunit ikaw na mismo
Ang nagmulat sa akin ng totoo
Na kahit anong kapit,iyak at laban ko
Hindi na muling mababalik ang dating TAYO
Hanggang sa matauhan ako
Na wala ng tayo
Hindi ako sumuko dahil gusto ko
Sumuko ako dahil isinuko mo ako kahit lumalaban pa sana ako.
Wakas
Isang katagang sigurado na ako
Salitang iniiwasan ko nung mayroon pang TAYO
Dahil gustong gusto kong ilaban ang ikaw at ako.
Ngunit eto pala ang salitang magpapabalik sa mga ngiti ko.
Ang salitang magpapalaya sa sarili ko.
Sa paikot ikot na mundong punong puno ng kapusyawan.
Malungkot pero masaya.
Malungkot dahil natapos ang TAYO
Pero masaya dahil ako’y malaya na.