Isang kay dilim na gabi
Ang nag udyok sa isang pangyayari
Ganun ata talaga
May mga pagkakataong hindi maganda
Hindi maganda ang pagtatapos
At hindi na maayos.
Ako’y nag iisip
Ng mga bagay na hindi ko maintindihan
Nga bagay na di ko inaasahan
Kasabay ng aking pag iisip
Ay mga luhang di mapigilan
Mga luhang kusang pumapatak
At mga luhang ikaw ang dahilan.
Mahal, naalala mo pa ba?
Nung mga panahong masaya pa tayo?
Yung mga araw na sinabi mong mahal mo ako?
Nung mga araw na may ikaw at ako.
Naalala ko yung mga panahong tayo pa
Ang mga linya mong “MAHAL KITA”
“GUSTO KITANG KASAMA”
At “PAPAKASALAN KITA”.
Mahal asan na?
Bakit biglang naglaho?
Bakit biglang nawala?
Nawala ang pag ibig na akala ko’y panghabang buhay na.
Naniwala ka sa sarili mong pananaw
Kaya ka siguro nang iwan
Pero mahal, wala akong iba
At tanging ikaw lang
Pero bakit bigla mo akong iniwan?
Mahal, masaya naman tayo di ba?
Pero bakit biglang nag iba?
Akala mo ako’y may iba na
Pero mahal, sayo lang ako masaya.
Siguro nga wala ng tayo
Wala ng ikaw at ako
Siguro kelangan ko nalang tanggapin
Na may mga bagay na bigla nalang naglalaho
Mga bagay na mawawala
Mga bagay na di na mababalik pa
At mga bagay na isa ng alaala.
Sana huli na to
Huli na sana ito
Dahil nakakapagod na
Nakakapagod na magmahal
Magmahal ng taong puro duda.
Salamat sa pag ibig mo
Salamat at binago mo ako
Binago upang maging mabiting tao
Salamat at minahal mo ako
At salamat sa lahat mahal ko.
Sana maging masaya ka
Dahil sa panahong kasama kita
Naging masaya ako
Sa buhay pag ibig na meron tayo
Sa isang mahabang kwentong ito
Na ang bida sana ay ikaw at ako.
Isang madilim na gabi
Isang hindi inaasahang pangyayari
Ang sisira saatin
Ang sumira sa relasyong matagal nating binuo
Sa isang madilim na gabi
Na ang tayo ay hindi na maayos pang muli.
Paalam sayo, mahal ko.
Share mo sakin hehe
LikeLiked by 1 person
Paano konishishare sau, di na tayo nag uusap. Hahaha
LikeLike
Hahaha. Another paasa call 😂
LikeLiked by 1 person
Eto goods, masaya. Oo nga e, busy lang sa work hehe ikaw musta na
LikeLike
Naks. Buti pa siya masaya 😂 okay lang.
LikeLike
Hindi ka masaya no?
LikeLiked by 1 person
Meron bang umamin na hindi sila masaya? HAHAHAHA
LikeLike
Sabagay hahahaha kulit ko rin e no baha
LikeLiked by 1 person
Para sa kanya to no haha
LikeLiked by 1 person
Kaniiiinoooo?
LikeLike
Yung na kwento mo sakin dati hehw
LikeLiked by 1 person
Halaaaaa. . . .sino? Hahaha
LikeLike
Wala kang sinabing name haha
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA. Gawa gawa ko lang yang spoken word. Nu ka baaaaa. Hahaha
LikeLiked by 1 person
Ah oki haha ganon lang naman pala
LikeLiked by 1 person
Kamustaaaa ka? Parang antagal mo nawala ah? Hahaha
LikeLiked by 1 person