.BALANG ARAW.

Nakakalungkot kasi may mga taong naging parte na ng buhay natin pero darating ang araw na mawawala at kailangan mong tanggapin at bitawan.

Ito ang isang bagay sa reyalidad na minsan may mga tao tayong makikilala, taong magpapasaya, taong magbabalik ng mga ngiti natin at ang taong ipaparamdam ulit saatin na pwede pa pala. . .na pwede pa pala ulit tayo magmahal kahit na nasaktan tayo sa nakaraan.

Ngunit bakit kaya ganoon? Yung tipong kahit gaano mo na ulit iningatan, kung paano mo ulit ibinuhos ang oras at pagmamahal dahil takot kang mawala na naman ang bagong nagpapasaya sayo.

Hanggang sa isang araw bigla nalang ulit mag iiba. Yung dating masaya, mapapalitan na naman ng lungkot. Yung dating mga ngiti ay unti unti na namang maglalaho. Yung BAGONG IKAW, ay dahan dahan na namang dinudurog ng taong bumuo ulit sayo.

Ang gulo ng tadhana ano? Napakagulo mo kupido.

Bakit mo pa pinakilala sa isang tulad kong dinurog ng ibang tao ang bagong dudurog ulit sa puso ko?

Ganun ba talaga ang gusto ng tadhana?

Yung ipakilala ako ng paulit ulit sa mga taong paulit ulit lang din akong sasaktan at iiwan? O baka yun ang paraan ng tadhana para matuto akong mahalin ang sarili ko ng lubusan at huwag ng hanapin pa ang pagmamahal sa ibang tao?

Siguro nga, may mga taong darating sa buhay natin hindi para makasama natin sa habang buhay kundi pinakilala saatin para ipaalala saatin na hindi lahat ng darating sa buhay natin ay mananatili.

At ang tanging magagawa natin ay tanggapin hindi para sa kanila kundi para sa sarili natin. . .para tayo ay tuluyang maging MALAYA at MASAYA.

At balang araw, gigising ka, haharap sa salamin. . .

At muling NGINGITI, dahil tuluyan mo na ulit napalaya ang sarili mo sa lahat ng sakit na dinulot ng mga taong minahal mo.

BALANG ARAW.

One thought on “.BALANG ARAW.

Leave a comment